Ito ay ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla para matiyak na hindi makapanggugulo ang mga ito pagsapit ng halalan sa Mayo.
Kaya naman puspusan aniya ang operasyon ngayon ng militar sa ilang mga piling lugar sa Mindanao na pinamumugaran ng mga armadong grupo at mga lugar na madalas nilang takutin ang mga residente.
Kabilang sa mga grupong target i-neutralize ng militar ay ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF at Abu Sayyaf group.
Aminado rin si Padilla na ang presensiya ng mga pribadong armadong grupo ang isa sa malaking hamon sa kanila para masigurong magiging mapayapa ang gaganaping eleksyon sa Mayo.