Clinical trials sa dalawang COVID-19 vaccines isasagawa na sa China

Aprubado na sa China ang pagsasagawa ng clinical trial sa dalawang bakuna laban sa COVID-19.

Ang bakuna ay nilikha ng China National Pharmaceutical Group at ng Beijing-based na Sinovac Research and Development Company.

Sa datos ng World Health Organization (WHO) sa iba’t ibang mga bansa ay 70 bakuna ang nililikha para panlaban sa virus.

Tatlo pa lamang dito ang naisailalim na sa human trials.

Sa ngayon wala pang bakuna na ganap na inaaprubahan para panlaban sa sakit.

 

 

Read more...