Cardiologist pumanaw dahil sa COVID-19

PHOTO CREDIT: NOW YOU KNOW FACEBOOK PAGE

Isa na namang doktor ang pumanaw dahil sa sakit na COVID-19.

Noong April 10 ay pumanaw si Dr. Roberto Anastacio na isang cardiologist sa University of Santo Tomas at sa Makati Medical Center.

Na-confine sa MMC ang doktor dahil sa sakit.

Sa pahayag ng Philippine Heart Center, kinumpirma nitong COVID-19 ang dahilan ng pagkasawi ni Anastacio.

Nagpaabot ang PHC ng pakikiramay sa mga naulila ng doktor.

 

 

Read more...