Cainta mayor isusubasta ang mga kuleksyong sapatos para matulungan ang mga pamilya na hindi sakop ng SAP ng DSWD

Magsasagawa ng auction sa kaniyang mga kuleksyong sapatos si Cainta Mayor Johnielle Keith Neito para mabigyan ng ayuda ang mga pamilya sa bayan na hindi masasakop ng social amelioration program ng DSWD.

Ayon kay Neito, hindi gaya ng Pasig City, ang Cainta ay walang sapat na pondo para sagutin ang tulong-pinansyal sa mga pamilyang hindi makatanggap ng ayuda mula sa DSWD.

Para magkaroon ng pera pantulong sa mga pamilya sa Cainta, io-auction na lang ni Nieto ang mga sapatos na kanyang kuleksyon.

Narito ang tatlong sapatos na isasailalim sa auction at ang halaga ng mga ito:

Jordan 11 breds (P13,000 base price)
Jordan 1 Travis Scott low (P30,000 base price)
Air Force 1 (P10,000 base price)

Ayon sa alkalde araw-araw ay magkakaroon siya ng auction ng 3 niyang sapatos hanggang sa matigil ang problema sa COVID-19 o hanggang maubos ang kaniyang kuleksyon.

Read more...