6,791 PPE shipments, nai-release ng BOC

Umabot na sa 6,791 na PPE shipments ang nai-release ng Bureau of Customs (BOC).

Kahapon, April 13, ay nakapag-release ng 188 pang PPE shipments ang Customs.

Ang mga shipment ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Cebu, at Clark.

Simula noong March 9, 2020 ay tiniyak ng Customs ang same-day release sa mga PPE shipment at iba pang kargamento na ang laman ay medical supplies at donasyon para sa COVID-19 response sa bansa.

Read more...