Antas ng tubig sa Angat dam muling nabawasan sa magdamag

Muling nabawasan ang water level ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas na magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig sa Angat dam alas-6 umaga ng Martes (April 14) ay nasa 192.95 meters mas mababa sa 193.15 meters na antas nito kahapon.

Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 100.40 meters mas mababa sa antas nito kahapon na nasa 100.49 meters habang ang water level ng La Mesa dam ay nabawasan din at nasa 77.09 meters ngayong umaga mas mababa sa 77.10 meters na antas nito kahapon.

Samantala, nabawasan din ang antas ng tubig ng Ambuklao, San Roque, Pantabangan at Caliraya dams habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Binga at Magat dams.

Read more...