Iniutos ni Manila Mayor Isko Moreno ang 24-hour na total shutdown sa Barangay 20 sa lungsod.
Ito ay matapos matuklasan na sa kabila ng umiiral na enhanced community quarantine ay nagbi-bingo at nagbo-boxing pa ang mga residente.
Iniutos din ng alkalde ang pagsasagawa ng disease surveillance, testing at rapid risk assessment operations sa barangay.
Sa nilagdaang executive order ng alkalde, iiral ang total shutdown sa Barangay 20 mula alas 8:00 ng gabi ng April 14, 2020 hanggang alas 8:00 ng gabi ng April 15, 2020.
Habang naka-shutdown lahat ng residente ay istriktong mananatili sa loob ng kanilang bahay.
Isang video ang kumalat sa Facebook kung saan makikita ang nasa 100 katao kabilang ang mga bata na nanonood ng boxing match sa kalye.