Mahihirap na pamilya prayoridad ng tulong-pinansyal ng pamahalaan ayon kay Pangulong Duterte

Ang mahihirap ang prayoridad ng tulong ng gobyerno ngayong may umiiral na enhanced community quarantine.

Sa ikatlong weekly report ni Pangulong Rodrigo Duterte na isinumite sa kongreso nakasaad na dahil limitado ang resources ng gobyerno, dapat lang na iprayoridad ang pinakamahihirap.

Ipinanukala ng senado na dagdagan ng 5.4 milyon pang pamilya ang beneficiaries ng COVID-19 emergency subsidy program.

Mangangahulugan ito ng dagdag na P66.4 billion na gastos sa pamahalaan.

Kapag naidagdag ang 5.4 milyon pang pamilya, masasakop na ng pagbibigay ng ayuda ang 95 percent na total number ng mga pamilya sa Pilipinas.

Magugunitang sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act ay naglaan ng P200 billion ang gobyerno para mabigyan ng tulong-pinansyal ang 18 milyong mahihirap na pamilya sa bansa.

Read more...