Licensure examinations sa Mayo at Hunyo, kinansela na rin ng PRC dahil sa COVID-19

Kinansela ng Professional Regulation Commission (PRC) ang mga nakatakdang licensure examinations sa buwan ng Mayo at Hunyo.

Sa inilabas na pahayag, ang hakbang ay alinsunod sa Republic Act No. 11469 (s.2020) o ang Bayanihan to Heal As One Act na nagdedeklara ng State of National Emergency sa buong bansa at sa pagpapalawig ng Luzon-wide Enhanced Community Quarantine (ECQ) dahil sa nagpapatuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

Ayon pa sa PRC, layon din nitong matiyak ang kaligtasan ng mga examinee at empleyado ng ahensya.

Narito ang mga na kinanselang exams ng PRC:

Civil Engineer Licensure Examination (May 3-4, 2020)

Licensure Examination for Chemical Engineers (May 6-8, 2020)

Licensure Examination for Certified Public Accountants (May 10,17-18, 2020)

Dentists Licensure Examination (Written and Practical) (May 12-14, 26-29, 2020)

Dental Hygienists Licensure Examination (Written & Practical)(May 21-22, 2020)

Nurses Licensure Examination (May 31-June 1, 2020)

Criminologists Licensure Examination (June 7-9, 2020)

Environmental Planners Licensure Examination (June 11-12, 2020)

Licensure Examination for Interior Designers (June 23-25, 2020)

Sinabi ng PRC na antabayan ang kanilang mga susunod na anunsiyo kung kailangan ang magiging schedule ng mga apektadong licensure examinations sa kanilang website at social media accounts.

Matatandaang kinansela rin ng ahensya ang mga nakatakdang licensure examinations noong nakaraang Marso at ngayong buwan ng Abril dahil pa rin sa banta ng nakamamatay na COVID-19.

Read more...