National ID system makatutulong sana sa gobyerno sa kasalukuyang sitwasyon – Duterte

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na malaking tulong sana sa pamamahagi ng cash assistance ang national ID system.

Sa kaniyang televised address sinabi ng pangulo nagkakaroon ng delay sa pagpapatupad ng social amelioration program ng gobyerno dahil sa ilang problema.

Kabilang na dito ang problema sa mga listahan ng bibigyan ng tulong.

Kung may national ID na aniya ay magiging madali lang ang proseso.

Kaya lang ayon sa pangulo, paulit-ulit itong tinutulan ng mga makakaliwang grupo.

Ang Philippine Identification System o RA 11055 ay nalagdaan ng pangulo noon pang August 2018.

 

Read more...