Jose Abad Santos, Davao Occidental niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 131 kilometers Southeast ng bayan ng Jose Abad Santos, alas-3:04 madaling araw ng Martes (April 14).

May lalim na 23 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...