Sa text message ni Año sa Radyo Inquirer, sinabi nito na nakuha na niya ang resulta ng COVID-19 test mula sa Research Institute and Tropical Medicine (RITM), araw ng Lunes (April 13).
Ayon kay Año, kinunan siya ng ikalawang COVID-19 test noong April 8.
“Nag-negative na test result ko from RITM. I was tested last April 8 and I received the result of the test today. God bless,” pahayag ni Año.
March 31 nang magpositibo sa COVID-19 si Año.
Si Año ang kauna-unahang Cabinet official ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpositibo sa COVID-19 at sinundan ni Education Secretary Leonor Briones.
Nag-negatibo na rin ang ikalawang COVID-19 test ni Briones, Lunes ng umaga, April 13.
MOST READ
LATEST STORIES