Bilang ng Filipino na apektado ng COVID-19 sa abroad, nadagdagan pa ng anim – DFA

Nadagdagan pa ang bilang ng mga Filipino na apektado ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang April 13, nasa 660 na overseas Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 40 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 384 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Ayon sa DFA, 192 naman ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Nanatilo sa 84 ang bilang ng nasawi dahil sa sakit.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Asia Pacific Region na may 230 na kaso.

Sumunod dito ang Europe na may 220 na kaso, Middle East/Africa na may 83 na kaso habang ang Americas naman ay may 127 cases.

Read more...