BREAKING: Bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, pumalo na sa 4,932

Patuloy pa rin ang paglobo ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Lunes ng hapon (April 13), nasa 4,932 na ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa bansa.

284 ang napaulat na panibagong kaso ng virus sa nakalipas na 24 oras.

Ayon pa sa DOH, 18 pasyente pa ang nasawi sa Pilipinas kung kayat umabot na sa 315 ang COVID 19-related deaths.

Samantala, 45 pang pasyente ang gumaling sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 242 ang total recoveries sa bansa.

Read more...