Sakop ng Free Ride for Health Workers program ng DOTr, palalawakin pa

Palalawakin pa ang sakop ng Free Ride for Health Workers program ng Department of Transportation (DOTr).

Sa abiso ng DOTr, aabot na sa 20 ang ruta ng libreng sakay simula sa araw ng Miyerkules, April 15.

Aabutin na ng bagong ruta ang ilang lugar sa labas ng Metro Manila kabilang ang Laguna, Cavite at Bulacan.

Matatandaang nasa tatlong ruta lamang ang libreng sakay ng DOTr nang magsimula noong March 18.

Samantala, umabot na sa 154,561 ang bilang ng healthcare workers na naserbisyuhan ng programa hanggang April 12.

Narito ang link ng pinakahuling map ng Free Ride for Health Workers ng kagawaran:
https://bit.ly/DOTrFrontlineShuttleMap

Read more...