LTO7, maglulunsad ng Buntis Sakay Program simula sa April 14

Ilulunsad ng Land Transportation Office (LTO) Region 7 ang Buntis Sakay Program sa araw ng Martes, April 14.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), layon nitong makapagbigay ng transportasyon sa mga buntis sa kasagsagan ng pag-iral ng enhanced community quarantine bunsod ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) outbreak.

Ihahandog ang libreng bus ride sa lahat ng buntis na kailangan ng medical care sa mga sumusunod na ospital:
– St. Anthony Mother and Child Hospital (F. Gabuya St., Basak San Nicolas)
– Vicente Sotto Memorial Medical Center and Cebu Maternity Hospital, (B. Rodriguez St.)
– Visayas Community Medical Center (Osmena Blvd.)
– St. Vincent Hospital (Osmena Blvd.)
– Cebu City Medical Center

Bawat isang buntis ay papagayang makabiyahe na may isang kasama.

Mag-ooperate ang libreng sakay mula Lunes hanggang Sabado.

Magsisimula ang ruta ng bus sa Starmall Talisay bandang 8:00 ng umaga at 2:00 ng hapon.

Samantala, nakatakda naman ang return trips bandang 11:00 ng umaga at 4:00 PM sa CCMC.

Maaaring tumawag ang mga bus sa hotline number na 0918-807-3502.

Narito ang ruta ng libreng sakay:

Read more...