Umabot na sa mahigit 100,000 ang nahuli ng mga otoridad na lumabag sa umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon.
Sa datos ng Joint Task Force COVID-19 Shield, umabot na sa 108,088 curfew violators sa nakalipas na 27 na araw.
Naitala ang nasabing datos simula March 17 hanggang April 12.
Nasa 3,092 ang nahuling lumabag sa April 12 o Easter Sunday.
Sa kabuuang bilang, 26,130 ang naaresto; 76,989 ang binalaan lamang at 4,969 ang pinagmulta.
Tatagal ang ECQ sa buong Luzon hanggang April 30.
MOST READ
LATEST STORIES