Kaso ng COVID-19 sa Valenzuela City, nadagdagan pa

Nadagdagan pa ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Valenzuela City.

Sa huling datos ng City Epidemiology and Surveillance Unit hanggang 8:00, Lunes ng umaga (April 13), nasa 43 na ang kabuuang COVID-19 positive patients sa lungsod.

Ang bagong kaso ay isang 29-anyos na babae at frontliner sa isang ospital.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng contact tracing sa mga posibleng nakasalamuha ng pasyente.

Tiniyak naman ng CESU na patuloy nilang tinututukan ng kondisyon ng mga COVID-19 patient.

Read more...