BOC-Port of Manila Tellering Booth, isasara simula April 13

Pansamantalang isasara ang Land Bank of the Philippines South Harbor Branch at Bureau of Customs-Port of Manila Tellering Booth simula sa Lunes, April 13.

Sa abiso ng ahensya, ito ay matapos mapaulat ang pasyente na positibo sa COVID-19 sa South Harbor Branch sa Gate 1, Port Area, Manila.

“Until further notice” anila epektibo ang pagsasara nito.

Dahil dito, lahat ng transaksyon sa Port of Manila ay gagawin sa Land Bank – MICP branch.

Mananatili namang available ang mga Land Bank ATM at e-banking channel.

Read more...