Mahigit 33,800 naisailalim na sa COVID-19 test ayon sa DOH

Umabot na sa 33,814 na indibidwal ang naisailalim sa COVID-19 test ng pamahalaan.

Sa ngayon ay sa Department of Health (DOH) mayroon pang 86,625 na test kits ang DOH na gagamitin nito sa araw-araw na ginagawang testing.

Pinakamaraming naisagawang tests ay sa Research Institute for Tropical Medicine o RITM na mahigit 25,000 tests.

Sa huling datos ng DOH, 4,648 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa at 2,841 dito ang naka-admit sa iba’t ibang pagamutan.

Read more...