Graduation rites hindi pa rin pwedeng isagawa – DepEd

Kanselado pa rin ang pagsasagawa ng graduation rites para sa katatapos na school year.

Ayon kay Education Sec. Leonor Briones, batid ng DepEd na maraming pamilya ang nalungkot dahil hindi makapagmamartsa ang kanilang mga anak.

Pero hindi aniya pwedeng payagan ang pagdaraos ng graduation rites sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa.

Malinaw kasi aniya na ipinagbabawal ang mass gatherings sa ilalim ng umiiral na enhanced community quarantine.

Ang ECQ sa Luzon ay tatagal hanggang sa April 30.

Habang marami na ring lalawigan sa Visayas at Mindanao ang nagpapairal ng ECQ.

 

 

Read more...