LOOK: Bagong COVID-19 tracker ng DOH maari nang ma-access ng publiko

Maari nang ma-access ng publiko ang bagong COVID-19 tracker ng Department of Health (DOH).

Isinailalim sa maintenance at ginawan ng update ang nasabing website para mas maging accessible ang features nito sa publiko.

Sa bagong COVID-19 tracker, makikita pa rin ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Bilang ng mga naka-admit pa sa ospital, mga nasawi at naka-recover.

Maari nang ma-filter ang bilang ng kaso by region, by province o city.

Isinama rin ang detalye kung gaano na karami ang naisasailalim sa tests at kung saan-saang pasilidad ginawa ang tests.

Maging ang bilang ng availability ng beds at mechanical ventilators ay kasama sa tracker.

Gayundin ang availability ng PPEs sa mga pagamutan.

Read more...