Patnongon, Antique niyanig ng magnitude 3.5 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang lalawigan ng Antique.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 18 kilometers Northwest ng bayan ng Patnongon, alas-9:22 umaga ng Lunes (April 13).

May lalim na 5 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Naitala naman ang instrumental intensity 1 sa San Jose City, Sebaste at Culasi, Antique.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.

 

 

Read more...