6 patay sa pananalasa ng tornadoes sa Mississippi

Anim ang nasawi makaraang manalasa ang magkakasunod na tornado sa Mississippi.

Ayon sa Mississippi Emergency Management Agency tatlo sa mga nasawi ay mula sa Jefferson Davis County.

May isa ring nasawi sa Walthall County at dalawa sa Lawrence County.

Marami ring bahay ang nawasak ng tornadoes.

Sa Monroe, Louisiana, 300 bahay ang nawasak ng tornado.

Isang hotel ang pansamantalang ginamit para matuluyan ng mga apektadong pamilya.

 

 

Read more...