COVID-19 testing sa mga may sintomas sa Maynila sinimulan na

Inumpisahan na ang pagsasagawa ng COVID-19 testing sa lungsod ng Maynila.

Ayon sa Manila Public Information Office, mayroon nang 934 na pasyente na nakuhanan ng swab tests.

Ginawa ang tests sa sumusunod na mga pasilidad:

Sta Ana Hospital/MIDCC — 451 tests
MHD — 190 tests
Ospital ng Maynila — 106 tests
Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center — 55 tests
Ospital ng Tondo — 30 tests
Ospital ng Sampaloc — 44 tests
Justice Jose Abad Santos General Hospital — 40 tests

Layunin nitong maawat ang mabilis na pagkalat ng sakit sa lungsod.

Mahalaga ayon sa Manila City Government na agad mai-isolate ang mga suspected cases.

Una nang sinabi ng Manila City LGU na may kakayahan na silang makapagsagawa ng mahigit 1,000 COVID-19 tests kada linggo.

Read more...