Water level ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon muling nabawasan

Muling nabawasan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas na magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig sa Angat dam alas-6 umaga ng Lunes (April 13) ay nasa 193.15 meters mas mababa sa 193.40 meters na antas nito kahapon.

Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 100.49 meters mas mababa sa antas nito kahapon na nasa 100.65 meters.

Nanatili naman ang water level ng La Mesa dam sa 77.10 meters ngayong umaga.

Samantala, nabawasan din ang antas ng tubig ng Ambuklao, San Roque, at Pantabangan dams habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Binga, Magat at Caliraya dams.

Read more...