LOOK: Container vans ginamit sa San Juan bilang COVID-19 facilities

Bubuksan na ngayong araw (April 13) ang walong container vans sa San Juan na nai-convert bilang COVID-19 facilities.

Ang walong COVID-19 modular, lightweight container van facilities ay nasa San Juan Medical Center sa N. Domingo Street.

Mayroong mga kama at air condition units ang mga van at magsisilbing staging area para sa mga pasyenteng nakapila sa admission ng COVID-19 ward ng ospital.

Isa sa mga van ay itatalaga para sa mga ginang na bagong panganak at tinamaan ng COVID-19.

Ngayong umaga ay pangungunahan ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang inagurasyon sa nasabing mga pasilidad.

Read more...