Jomalig, Quezon niyanig ng magnitude 3.7 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang lalawigan ng Quezon .

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 41 kilometers Northeast ng bayan ng Jomalig, alas-5:12 madaling araw ng Lunes (April 13).

May lalim na 4 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Naitala naman ang instrumental intensity1 sa Jose Panganiban, Camarines Norte.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.

Read more...