33 OFWs mula Indonesia dumating sa bansa

Nakauwi na sa bansa, Linggo (April 12) ng gabi ang 33 Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Indonesia.

Ang nasabing mga OFW ay nagpasyang magbitiw sa kanilang trabaho sa Indonesia dahil sa pangamba sa COVID-19 at humingi ng tulong sa pamahalaan para makauwi.

23 sa kanila ay pawang trabahador ng Daewoo Engineering & Construction Company sa WEst Papua habang ang 10 ay trabahador ng DASH Engineering sa Java.

Sa datos ng DFA simula noong February 2020 ay umabot na sa 12,144 ang napauwing OFWs sa Pilipinas.

 

 

 

Read more...