Bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa Laguna umabot na sa 136

Muling nadagdagan ang bilang ng nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Laguna.

Base sa huling datos ng Lokal na pamahalaan ng Laguna, pumalo na sa 136 ang kabuuang kaso (Linggo, April 12 5PM).

Ang mga lugar na may kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay ang sumusunod:

Santa Rosa – 22
San Pedro – 21
Biñan – 17
Calamba – 13
Los Baños – 10
Santa Cruz – 9
Cabuyao – 6
San Pablo – 5
Nagcarlan – 4
Victoria – 4
Bay – 3
Liliw – 3
Majayjay – 3
Pila – 3
Alaminos – 2
Calauan – 2
Lumban – 2
Pagsanjan – 2
Cavinti – 1%
Famy – 1
Kalayaan – 1
Paete – 1
Pakil – 1

11 naman na ang nasawi at 19 na ang naka-recover.

Samantala, umabot na sa 1,243 ang patient under investigation (PUIs) at 5,644 naman ang person under monitoring (PUMs).

Nasa 7,677 naman ang mga PUMs na na-clear na.

Read more...