Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 3.3 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 142 kilometers Southeast ng bayan ng Sarangani, alas-3:37 madaling araw ng Lunes (April 13).

May lalim na 105 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

Read more...