Tarragona, Davao Oriental niyanig ng magnitude 3.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 115 kilometers Southeast ng bayan ng Tarragona, ala-1:57 madaling araw ng Lunes (April 13).

May lalim na 59 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...