25,000 Taguig City scholars bibigyan ng P5,000

Ipamamahagi na ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang P5,000 special emergency allowance sa 25,000 scholars ng lungsod.

Ayon kay Mayor Lino Cayetano, inatasan na niya ang kanilang Scholarship Office at Barangay Affairs Bureau na ipamahagi na ang Special Emergency Assistance to Scholars simula sa Abril 20.

Aniya, layon ng tulong pinansiyal na makaagapay ang mga scholar sa krisis dulot ng COVID-19.

Masasakop ng tulong ang mga nasa ilalim ng mga programang
Lifeline Assistance for Neighbors In-need (LANI) Scholarship Program, Taguig City University (TCU) Educational Assistance Allowance, at Taguig Learners Certificate (TLC) Scholarship Program.

“By designing a support program around our scholars, we affirm our commitment to the well-being of our young people even in extraordinarily difficult times,” ani Cayetano.

Umaasa ang opisyal na sa matatanggap ng mga iskolar magagawa din nilang makatulong sa kapwa.

Inaasahan na 125,000 indibiduwal na kapamilya ng mga iskolar ang makikinabang sa tulong.

Read more...