Sa resulta ng survey, nasa 83 porsyento ang nagsabing ‘very important’ ang relihiyon para sa kanila habang pitong porsyento ang ‘somewhat important.’
Lumabas din sa survey na pitong porsyente ang ‘not at all important’ at tatlong porsyento ang ‘not very important.’
Ito na ang bagong record-high matapos malampasan ang dating record na 82 porsyento noong December 2016.
Lumabas din sa survey na 45 porsyento ng mga Filipino ang nakakadalo sa religious services kada linggo, 32 porsyento ang kada buwan at 22 ang ‘occasionally.’
Isinagawa ang survey sa 1,200 Filipino adults sa pamamagitan ng face-to-face interview sa buong bansa mula December 13 hanggang 16, 2019.