Ilang probinsya nagpasaklolo kay Sen. Go para sa COVID-19 aid

Ilang gobernador na ang humingi ng tulong kay Senator Christopher Go para mabigyan ng karagdagang pondo para sa kanilang mga ginagawa kasabay ng krisis dulot ng COVID-19.

Bunga nito, nanawagan si Go sa gobyerno na magbigay ng ‘Bayanihan Fund’ sa mga pamahalaang panglalawigan at iba pang lokal na pamahalaan para maipagpatuloy nila ang mga ginagawa.

Sa suhestiyon ni Go, maaring kalahati ng buwanang Internal Revenue Allotment (IRA) ng lalawigan ang ibigay sa kanilang tulong.

Aniya, napakahalaga na may pera ang mga pamahalaang panglalawigan sa paghahanda nila ng kanilang mga provincial hospital sa paghawak ng mga kaso ng COVID-19.

Dagdag pa ng senador, mahalaga rin na may magagamit ang mga local health unit sa paglaban sa COVID-19.

Sinabi pa nito na ang mga pamahalaang panglalawigan ay patuloy din na gumagasta para sa relief packs ng kanilang mamamayan.

Read more...