Ginawa ni Bello ang apela matapos palawigin ang enhanced community quarantine sa Luzon hanggang sa April 30.
“I once again knock in the kind hearts of our employers, especially the conglomerates and big businesses. Please extend further your generosity to your employees and workers. Your good-heartedness and compassion is a great help to the government,” hirit ng kalihim.
Nabatid na higit sa isang milyong displaced workers ang naitala ng DOLE simula nang ipatupad ang enhanced community lockdown sa buong Luzon kasama na ang Metro Manila.
Nagresulta ang ECQ sa pansamantalang pagsasara ng mga negosyo, maliit man at malaki.
May ilang negosyo naman ang nagpatupad ng work from home sa kanilang mga empleyado.