Ito ang naging tugon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases sa kumakalat na balita sa social media na muling palalawigin pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang enhanced community quarantine sa Luzon dahil sa COVID-19.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, tagapagsalita ng IATF, sa ngayon, nanatili ang ECQ hanggang sa April 30.
Hindi rin aniya natatalakay sa pagpupulong ng IATF ang posibilidad ng extension ng ECQ.
“Hindi po totoo ‘yan. Fake news ‘yan. Kung may nagpapakalat man nito, hindi namin pinag-uusapan ‘yung extension ng lockdown after April 30,” pahayag ni Nograles.
Matatandaang hanggang April 12 lamang ang ECQ sa Luzon subalit pinalawig pa ito ni Pangulong Duterte dahil hindi pa bumaba ang kaso ng COVID-19 sa bansa.