Grab driver, 2 iba pa timbog sa P500,000 halaga ng shabu

Dahil nawalan ng pinagkakakitaan, sa diumano’y pagbebenta ng droga na bumagsak ang isang Grab driver at minalas ito nang mahuli sa drug bust operation sa Barangay Damayan, Quezon City.

Nabatid na si Chris Villarosa, 38-anyos, residente ng lugar ay wala sa drug watchlist, gayundin ang kasama niyang naaresto na si Jesus Santos, 41-anyos.

Ang ikatlong suspek na si Dick Mirasol mula sa Barangay Paltok ay kasama sa watchlist ng Directorate for Intelligence.

Isinagawa ang operasyon bandang 3:40 ng hapon ng Sabado sa Barangay Damayan.

Nakuha sa tatlo ang 85 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng higit P570,000 at digital weighing scale.

Read more...