Joggers sa BGC, ipahuhuli sa PNP

Kinundena ni Taguig City Mayor Lino Cayetano ang ilang residente ng Bonifacio Global City (BGC) dahil sa patuloy na pagsasagawa ng outdoor fitness and leisure activities sa kabila nang pakiusap na manatili sa loob ng tirahan.

Napanood ni Cayetano ang viral videos at mga larawan ng nagjo-jogging at aktibidad sa labas ng tirahan sa BGC at mga reklamo hinggil sa social media posts.

Diin ng opisyal, nagsa-sakripisyo nang husto ang mga medical frontliner para hindi na kumalat ang COVID-19 ngunit ang mga aktibididad sa BGC ay paglabag sa layon ng enhanced community quarantine.

Aniya, sa ginagawang mga aktibidad sa BGC, inilalagay sa panganib ang buhay ng kapwa.

Kaya babala niya, ipapahuli ang mga pasaway.

May 15 nang hinuli sa BGC kasama ang ilang banyaga dahil sa paglabag sa enhanced community quarantine at hindi naman bababa sa 500 ang sinita sa buong lungsod.

Dagdag pa ni Cayetano, ang mga security personnel ng mga gusali sa lungsod ay dapat mahigpit din na pinapaalahanan ang kanilang tenants ukol sa ECQ.

Read more...