LOOK: Carol Banawa, handa na magsilbing COVID-19 frontliner sa US

Handa na ang singer na si Carol Banawa na magsilbi bilang front liner ng COVID-19 sa Estados Unidos.

Sa Instagram, nag-post si Carol na isa ring nurse, ng larawan kung saan makikita ang bagong gear na gagamitin nito simula sa susunod na linggo.

Kabilang na kasi aniya siya sa mga mangangalaga sa COVID-19 patients sa nasabing bansa.

“New gear. Just got word that I will be floating out of my home unit starting next week to train and help out other units in the next few weeks. Preparing for the incoming surge of #covid patients. Grateful to receive this added protection just in time. Here we go,” ayon kay Carol.

Naging registered nurse si Carol sa Amerika noong July 2018.

Read more...