WATCH: Paglahad ng personal na impormasyon ng COVID-19 patients, kailangan na – IATF

Photo grab from PCOO Facebook video

Mandatory na para sa mga pasyente sa COVID-19 ang public disclosure o paglahad ng kani-kanilang personal na impormasyon.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, tagapagsalita ng Inter-Agency task Force on Emerging Infevtious Diseases, ito ay para mapaigting pa ng pamahalaan ang ginagawang contact tracing.

“Para po matulungan ang contact-tracing efforts ng ating pamahalaan, mandatory o required na po ang paglalahad ng personal na impormasyon pagdating sa ating mga COVID-19 cases,” pahayag ni Nograles.

Ang contact tracing ay pagtunton sa ibang indibidwal na nakasalamuha ang isang pasyente na nagpositibo sa COVID-19.

Kasabay nito, inatasan ng IATF ang Office of Civil Defense na pamunuan ang contact tracing efforts ng pamahalaan sa mga taong posibleng tinamaan ng COVID-19.

Ayon kay Cabinet Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, kinakailangan na makipag-ugnayan ang OCD sa local government units para maging maayos ang contact tracing.

Inatasan din ang OCD na makipag-ugnayan sa Department of Health para sa data sharing agreement alinsunod na rin sa Republic Act No. 10173 o “Data Privacy Act.”

“Ang OCD na po ang mangunguna sa contact-tracing efforts ng pamahalaan at sila ay inaatasang makipag-ugnayan sa DOH para mag-share ng datos alinsunod sa Data Privacy Act,” pahayag ni Nograles.

Narito ang bahagi ng pahayag ni Nograles:

Read more...