Bilang ng kaso ng COVID-19 sa Amerika, higit 530,000 na

Sumampa na sa mahigit 530,000 ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Estados Unidos.

Batay sa huling datos, pinakamarami pa ring naitalang COVID-19 cases sa nasabing bansa na nasa 532,879.

Sumunod dito ang Spain na may 163,027 Coronavirus cases.

Pangatlo naman ang Italy na nakapagtala ng 152,271 na kaso ng nakakahawang sakit.

Narito ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba pang bansa at teritoryo:
– France – 129,64
– Germany – 125,452
– China – 82,052
– UK – 78,991
– Iran – 70,029
– Turkey – 52,167
– Belgium – 28,018
– Switzerland – 25,107
– Netherlands – 24,413
– Canada – 23,318
– Brazil – 20,962
– Portugal – 15,987
– Austria – 13,806
– Russia – 13,584

Samantala, umabot na sa kabuuang 1,780,315 ang tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo.

Read more...