Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 44 kilometers northwest ng Claveria alas 8:27 ng umaga ng Biyernes, April 10.
Ayon sa Phivolcs, 20 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin nito.
Naitala ang Instrumental Intensity II sa Pasuquin, Ilocos Norte bunsod ng naturang lindol.
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.
MOST READ
LATEST STORIES