Chief nurse sa Mandaluyong Medical center, pumanaw sa COVID-19

Bumuhos ang pagmamahal at pasasalamat sa Facbeook account ng chief nurse ng Mandaluyong City Medical Center na pumanaw matapos tamaan ng COVID-19.

Si Manny Pacheco, 62 anyos ay panibagong medical worker at frontliner na pumanaw sa nasabing sakit.

Kinumpirma ni MCMC Hospital Administrator Cesar Tutaan ang pagpanaw ni Pacheco na 30 taon nang naninilbihan sa ospital.

Taong 2916 nang maging chief nurse siya sa MCMC.

Sa kaniyang Facebook account bumuhos ang pagdadalamhati ng kaniyang mga kasamahaan sa trabaho.

Pawang pasasalamat at pagmamahal ang kanilang mensahe kay Pacheco.

Read more...