Bagong silang na sanggol pumanaw sa COVID-19 sa Lipa City

Isang sanggol na halos dalawang lingo pa lamang na naisisilang ang pumanaw sa sakit na COVID-19 sa Lipa City, Batangas.

Ang bata na 23-araw pa lamang mula nang isilang ay pumanaw noong April 5.

Ayon kay Lipa City Mayor Eric Africa positibo sa COVID-19 ang bata base sa resulta na nakuha nila sa Department of Health (DOH) apat na araw matapos siyang pumanaw.

Ang nasabing sanggol ang case number 15 sa Lipa City.

Read more...