Petron maybibigay na rin ng libreng gas sa mga bus na naghahatid sa health workers

Simula sa Lunes, April 13, 2020 libre na ring makapagpapa-karga ang sa Petron ang mga bus na kasapi sa Free Bus Service for Health Workers Program ng Department of Transportation (DOTr).

Ang Petron Fuel Subsidy, ay kasunod ng donasyon ng San Miguel Corporation (SMC) Infrastructure.

Magbibgay ito ng 50 litro kada araw na libreng gas sa 60 bus units na naghahatid sa health workers.

“Nakakataba ng puso ‘yung tuluy-tuloy na dating ng tulong mula sa ating mga private sector partners. If this enhanced community quarantine will go on for more weeks, we really need the assistance of every stakeholder to sustain the program. Lubos ang aming pasasalamat sa mga mabubuting tao at kumpanya, tulad ng Petron, na laging handang tumulong,” ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade.

Naisyuhan na ng 60 Petron fleet cards ang DOTr na may long load na P31,500 na maaring magamit sa pagpapa-gas.

Sakabuan ay P1,890,000 ang total subsidy ng Petron.

Apat na Petron stations ang itinakda para magamit angnasabing fleet cards ito aysa Filinvest, Alabang; Macapagal Blvd sa Parañaque City; East Avenue sa Quezon City, at sa Mandaluyong City.

Read more...