Nagtulog-tulong ang mga local at national officials para matulungan ang mga OFWs, na karamihan ay mga seaman.
Ngunit iba ang naging reaksyon ng isang account na taga-Iloilo na si Irma Lim. Nag-post si Lim sa Facebook ng link sa isang article ng Daily Guardian tungkol sa mga OFWs at nagpahayag s’ya ng kanyang opinyon tungkol dito.
Sabi ni Lim sa caption ng kanyang post, “I am not discriminating, but we need to protect our borders. Will these 52 OFWs be subjected to a 14-day quarantine in our city and province? Where will they be quarantined? Our LGU has done a good job in keeping us safe and providing us assistance. With this move, we might experience a drawback if not handled well.”
Nabatid na hindi kampante si Lim sa pagpapauwi sa 52 OFWs. Tinanong n’ya kung may plano ba i-quarantine ito at kung saan. Sinabi rin n’ya na kontento na s’ya sa proteksyon na naibigay ng local government unit o LGU at baka magulo lang ang sitwasyon ng mga pinapauwing OFWs.
Maraming netizens ang umalma sa pahayag ni Lim. “Hindi s’ya makatao, makasarili s’ya,” comment ng isa. Dagdag naman ng iba, “Asal matapobre yata si tita, parang diri-diri s’ya at gustong itaboy ang mga OFWs.” I
Isa pa sa napansin ng mga netizens ay ito: “Parang gusto n’ya na s’ya lang makinabang sa mga benepisyo na binibigay ng LGU. Ipagkakait n’ya ito sa iba. Pwede naman s’yang nagsabi na, ‘Paano tayo makakatulong para siguradong manatiling ligtas tayong lahat sa COVID-19?’ Ngunit mas pinili n’ya na magsalita ng di maganda sa mga OFWs na tinuturing natin na mga bagong bayani.”
Samantala, may nagsabi rin na walang karapatan si Lim na itaboy ang mga OFWs dahil ang mga ito ay dumaan na sa proseso na tinakda ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pamamahala ni OWWA administrator Hans Cacdac. Tumulong rin ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at si Defense Secretary Delfin Lorenzana para maisaayos ang chartered flights para sa OFWs.
Matatandaang kasama si Lim ni dating Iloilo City mayor Jed Patrick E. Mabilog nang ito’y nagpakuha ng litrato na naka “fist sign” noong October 2016. Inakusahan noon ng mga netizens si Mabilog sa pag-balimbing dahil sa ginawa n’yang pag-pose dahil miyembro s’ya ng Liberal Party (LP) at ang nasabing “fist sign” ay inuugnay sa mga kaalyado ni President Rodrigo Duterte na kabilang sa Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP–Laban).