Pagbebenta ng asset ng gobyerno kabilang sa pinag-aaralang hakbang sa pagtugon sa COVID-19

Isa sa posibleng hakbang na gawain ng pamahalaan ay ang magbenta ng government assets para matugunan ang paglaban sa COVID-19.

Sa kaniyang televised address Huwebes (Apr. 9) ng madaling araw, sa sandaling maubos na ang pera ng gobyerno ay maituturing na itong “endgame”.

“What is the endgame? Pag maubos talaga ang pera. ‘Pag wala na akong makuha and we’re about to sink and really sink, I will sell all the assets of the government tapos itulong ko sa tao,” sinabi ng pangulo.

Kabilang aniya sa mga asset ng pamahalaan na maaring ibenta ay ang PICC o ang CCP.

Una rito inatasan ng pangulo si Finance Sec. Carlos Dominguez na maghanap pa ng pagkukuhanan ng dagdag na pondo para maipangtulong sa mga mamamayan.

Read more...