Metro Manila, mga kalapit na lalawigan uulanin sa susunod na mga oras

Makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.

Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA, kabilang din sa uulanin ang Tarlac, Zambales, Pampanga, Bulacan at Rizal.

Ang mga bayan ng Burdeos, Panukulan at General Nakar sa Quezon ay nakararanas na ng pag-ulan dulot ng thunderstorms.

Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente na ang mararanasang malakas na buhos ng ulan ay maaring magdulot ng pagbaha.

Read more...