Krisis sa COVID-19 aabutin ng dalawang taon – Duterte

Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mamamayan na huwag madaliin ang gobyerno sa ginagawang pagtugon sa krisis sa COVID-19.

Ayon sa pangulo hindi madaling matapos ang kasalukuyang krisis at sa nakikita niya sa sitwasyon ngayon maaring tumagal pa nga ito ng dalawang taon.

“Kapag hindi naayos itong COVID-19, mapurnada talaga tayong lahat. Huwag ninyong madaliin. Sabihin ko sa inyo, think of COVID-19 sa ganitong sitwasyon: Tatakbo ito ng two years,” ayon sa pangulo.

Ayon sa pangulo nakita na niyang aabot ang bansa sa ganitong sitwasyon, kaya nga agad nagpatupad ang bansa ng travel ban.

Hangga’t wala aniyang bakunang available laban sa COVID-19 ay hindi ito mareresolba.

Read more...